Jinkee-Manny hiwalayan blues and Pacquiao’s becoming president …

The Tall Order
By Mon Datol
The Philippine Courier
Toronto, Canada

Future First Family?Yah, that’s what boxing promoter Bob Arum hopes to see when Manny Pacquiao finally hang up his Cleto Reyes leathers and becomes Philippine president. And Bob believes it could materialize, who knows, on May 2022 when he is already 91 and could probably in the hospice, as what he believes in a recent interview with Examiner.com.Yah, a simple wish from an American who endeared himself with the Filipino boxing icon and who played a very huge and significant role in Pacquiao’s meteoric rise in the prizefighting business, and becoming the greatest boxer in his era. Arum also made Pacquiao a super rich boxer.

Yah, a dream from a non-Filipino for a Filipino boxing great to lead the Filipinos in the near future. What an exciting movie plot, eh? ‘The making of Pacman as Philippine president.’ Or in Tagalog parlance: ‘Itinadhana ng Langit.’ Di ba Macoy movie yon in the late 60s? Ewan. Basta. Kung Kano nga ay nananaginip, tayo pa kayang mga Pinoy na laging nangangarap?

Libre namang managinip, ah.

****

Kahit ako, eh, hindi humahadlang sa ‘Tadhana ng Langit’ kung sakaling magiging presidente ng Pinas si Manny Pacquio. Anong masama ruon. Kahit sino ay puwedeng mag-aspire as Philippine president basta ba Pinoy ka, sa Pinas ka ipinanganak at botante ka.

Hindi naman nakukuha sa yaman ang pagiging pangulo ng Pinas, dahil kung yaman lang ang kuwalipikasyon, di si Henry Sy o’ si Lucio Tan ang presidente ng Pinas dahil sila ang pinaka-mayayamang Pinoy sa Pinas as of now.

Di rin naman nakukuha sa dunong yan dahil kung runong lang ang kuwalipiskayon, naging presidente na sana si Sir Jovito Salonga o’ si Mirriam Defensor –Santiago at di naging Pangulo ang ninong kong si Ramon Magsaysay o’ si Tita Cory Aquino o’ si nakaupong Presidente Noynoy Aquino dahil hindi naman mga geniuses ang mga ito, di ba.

Itinakda ng Langit ang nagiging Pangulo ng lahat ng bansa sa buong mundo. At hindi kayang baguhin ng kahit sino ang iginuhit ng tadhana. Kaya ang isang taong pinagpala, may nakalaang misyon sa lupa. At walang kayang kumontra duon. Period.

Congressman ng Saranggani ngayon si Pacquiao at tatakbo Gobernador ng Saranggani Province sa 2013 bilang paghahanda sa kaniyang pang-national na political aspiration when he resigns from the beakbusting profession.

Kapag tumakbo si Pacquiao bilang Senador when he qualifies, iboboto ko siya, Mas mautak naman siguro siya keysa iba diyang naging Senador na kung hindi naging artista, eh, never na magkaka-upuan sa Senado. Ang mga artistang Senador, sa Pinas lang sikat. Si Pacquiao, sa buong planeta.

At least si Pacquiao, nagpilit magtapos ng high school, nag-aaral sa kolehiyo at patuloy na may private tutor to furtherance his knowledge of everything under the sun. Di nga ba may doctorate degree (Honoris Causa) si Pacquiao from the University of Cebu for his excellence in sports?

Bibihira ang puwedeng gawaran ng naturang parangal, ha? O, from a reserve Sgt. in the AFP, Lt. Colonel or ‘Eltikol’ na si Manny. Kahit nga bigyan pa siya ng a Star General in the reserve list, eh, never kong kukuwestiyon iyon! Lahat na ibibigay na karangalan ke Pacquiao, okay lang, huwag na nating kuwestiyunin pa. Mga kritiko ni Pacquiao, huwag na kayong angas pa, dahil, tuwing lumalaban si Pacquiao, eh, nanunuod din kayo n g laban niya at sumisigaw din kapag nanalo, lalo na at KO ang kalaban. Di ba? Kaya’t mga kritikong pulpol …

Tama na kaipokritahan.

****

Kuryente. Ito ang aking nakikita sa mga manunulat na nagsasabing maghihiwalay na sina Jinkee at Manny Paccquiao dahil daw sa nagkaruon umano si Manny ng anak sa ibang babae. May litrato daw na karga ni Manny ang bata pagkatapos ng binyag ng batang ‘inanak’ ni Pacman. Hayagang nag-deny si Manny kamakalawa lang over ABS-CBN TFC na di-tutuo ang balitang hiwalayan nila ni Jinkee at darating sa Las Vegas si Jinkee sa November 6 para manuod ng kaniyang laban kontra Marquez. Sa pananaw ko, di kayang hiwalayan ni Jinkee si Pacquiao dahil di naman siya marunong..

Magtampo sa bigas

****

Kausap ko lang the other day ang isang napakalapit na katoto ke Manny at natawa nga ito sa lumabas na balitang kausap na raw ni Jinkee ang mga abogado niya para mag-file ng annulment of marriage nila ni Pacquiao. Selos lang yong ke Jinkee at kung sakali raw na hihiwalayan ni Jinkee si Manny, eh, kasalanan na rin daw ni Jinkee ang naging dahilan kung bakit ‘pumatol at nag-anak sa ibang babae mister niya.’ (Joke lang daw ito na kumakalat sa sportswriting frat sa Pinas)…Dangkasi raw ay iba na si Jinkee at sa sobrang retoke…

Hindi na kilala ni Manny ang itsura ng asawa.

****

Naghamon kasi si Jinkee na bibigyan niya ng isang Hermes bag (worth Php1.5-million) ang sino mang magpapatunay na may anak sa ibang babae si Manny Pacquaio. After several weeks, hayun, lumabas na may kargang  bata ang asawa niya, at nagsalita kaagad ang isang K. Ordonez na ‘Ninong” lang ng kaniyang anak si Manny Pacquiao dahil assistant trainer daw ni Pacman ang asawa nitong nasa Middle East ngayon.

Hehehe… kenino kaya mapupunta ang million-peso worth na Hermes Bag na ipinangako ni Jinkee? Dangkasi naman, kapag problema ng mag-asawa, di na inilalabas pa sa media. Sa ginagawa ni Jinkee, mga anak nila ang pinahihirapan niya. Sa ganda ba naman niya ngayon (di bola yan, ha, sister Virgie T. Romano, sports ed of Abante….. hehehe) at daming pera, nagagawa pa bang magselos ni Jinkee ke Manny Pacquiao? At naniniwala akong hindi kayang makipag-hiwalay si Jinkee ke Manny.

Ano siya, hilo?

****

My friends and followers of this column have been asking my prediction every time Pacquiao has a fight. 100% correct predictions ko na mananalo si Manny. May ilang sablay lang kung KO at anong round matatapos laban. Sa November 12 fight ni Manny kontra Juan Marquez, hindi lalampas sa 6th round, tapos ang laban kapag nakipag-sapakan si Marquez at hindi magaala-Clottey na pulos depensa ang ginawa key Pacquiao. Manny will win this fight, definitely.

Piso tamang barko. (email me @: mondatol@rogers.com)

www.philcourier.com

        • –30 –

One Response. Have your say.

  1. Ms Pilipina says:

    Dear Mr Mon Datol,
    If you own a huge complex corporation with many sister companies, off-shore interests, international conglomerates, and you are looking for a CEO who will run the entire very complicated business, will you even spend time going over the CV of a carpenter or a computer technician or a secretary and put them in your short list?

    No wonder the Philippine Corporation is going irretrievably down because of our choices of leaders. Manny will not even dream of running if he has no billions so this means that the reason why he is going to run is not because of his impeccable corporate credentials but that he will make his money run, not his tested expertise, unbeatable skills and knowhow of running a very complicated, very poor, corruption-ridden, tribal country like we have.

    The Executive Branch and local governments are filled with actors, actresses, basketball players, singers and warlords that bully themselves into the seats in the Batasan. Haven’t we had enough of picking leaders that if any of these wanna bees can be profiled by a Head Hunter will never pass muster on the first get go?

    I have nothing against Pacquiao with having his dreams just as I cannot stop you from voting for him. But you are in Canada and you do not suffer the deprivation, poverty and hardships that ordinary people experience in our country because you have great statesmen running Canada. We need leaders that have vision and the guts and know how to make those visions come true for our people.

    Just as you are entitled to your opinion and your own vision of how our country should be run, I am also entitled to mine. I am afraid Manny is not that person.

Join the discussion

Your email address will not be published. Required fields are marked *